Walang nakikitang rason ang Department of Trade and Industry para mag-panic buying ang mga residente sa Albay na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na sapat ang suplay ng pagkain sa Bicol region.
Patuloy aniyang nanawagan ang DTI sa mga malalaking retailers na siguraduhin na kumpleto ang suplay.
“So wala po tayong pangamba, wala pong worry ang consumers natin kung mauubusan sila so wala pong dahilan para mag-panic buying po sila,” pahayag ni Castelo.
Sa ngayon, nasa state of calamity ang Albay.
Ayon kay Castelo, kapag nasa state of calamity ang isang lugar, maaring ipatupad ang price freeze sa mga bilihin.
MOST READ
LATEST STORIES