Mga nurse prayoridad ni Health Secretary Herbosa

By Chona Yu June 13, 2023 - 05:00 PM

 

Prayoridad ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga nurse sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Herbosa na ito ay para mapigilan ang pag-aabroad ng mga nurse.

Sa ngayon aniya, mayroong 4,500 bakante na posisyon para sa mga nurse.

Kasabay nito, sinabi ni Herbosa na inaayos na ng DOH ang disbursement sa P12.57 bilyong emergency allowances para sa mga medical frontliners na nagbigay serbisyo sa kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.

“But I’m telling you I will get on top of this, because I feel the nurses are our real priority, and I’m going to tell this in national TV. I really love the nurses, because they are our healthcare system. Sila ang nag-aalaga sa inyo kapag naospital kayo. Sila iyong nasa tabi ninyo 24/7, kaming doctor hindi naman ‘eh,” pahayag ni Herbosa.

Sa pagkakaalam ni Herbosa, nasa 90 porsyento na sa mga nurse ang nabigyan ng allowance.

Sabi ni Herbosa, ang mga nurse na nagtatrabaho sa pribadong ospital ang hindi pa  nababayaran dahil sa maraming proseso sa dokumento.

 

 

 

TAGS: news, Nurse, Radyo Inquirer, Ted Herbosa, news, Nurse, Radyo Inquirer, Ted Herbosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.