Mayon evacuees balak bigyan ng pinansyal na ayuda ni Pangulong Marcos
(Albay Provincial Information Office)
Target ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng pinansyal na ayuda ang mga lumikas na residente sa Albay dahil sa patuloy nap ag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, ginawa ni Pangulong Marcos ang utos sa sectoral meeting na ginawa ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.
Sabi ni Gatchalian, nakikipag-usap na ngayon ang DSWD sa local government units partikular na kay Albay Governor Grex Lagman para maplantsa ang plano.
Ayon kay Gatchalian, may mga evacuees kasi na may mga anak na bata na kailangan ng gatas at iba pa.
Karaniwang ibinibigay na ayuda ng DSWD ang noodles, de lata, bigas at iba pa.
“Again, balik tayo, kung mayroon kang anak na maliit na kailangan ng gatas and so forth, nag-uusap na rin kami ng local government upon the instruction of the President na baka kailangan sustentuhan rin natin no ayudahan natin ng financial assistance. So nag-uusap at mag-uusap pa kami ulit ni Governor kung paano at kailan natin ipapamahagi ang financial assistance at kung magkano,” pahayag ni Gatchalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.