Nasa 21.6 prosyento ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang bansot.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang 21. 6 na porsyentong mga bansot ay nag-eedad 0 hanggang 23 buwang gulang.
Nasa 28.7 porsyento naman ng populasyon nae dad limang taong gulang pababa ang bansot.
Sabi ni Herbosa, nasa 16.4 porsyento naman ng mga buntis sa bansa ang at risk dahil sa hindi maayos na pagkain.
Nasa 33.4 porsyento naman sa populasyon ng Pilipinas ang nakararanas ng moderate hanggang severe na food insecurity.
Sabi ni Herbosa, ito ang dahilan kung kaya ipatutupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang food stamp program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.