Isang Australian at Canadian national huli sa pagbebenta ng droga

By Ruel Perez June 21, 2016 - 04:25 PM

ecstacy-pills
Inquirer file photo

Arestado ang dalawang foreign nationals sa isinagawang buy-bust operation ng PNP-AIDG kagabi sa Mercado Street, Makati City.

Ayon kay PNP Spokesman  C/Supt. Wilben Mayor, matagal nang minamanmanan ng mga tauhan ng PNP Anti-Ilegal Drugs Group (AIDG) ang dalawang suspects na  isang Australian at Canadian dahil sa pagtutulak ng ecstasy.

Kinilala ni Mayor ang naarestong Canadian national na si Jeremy Eaton, 34-anyos na nahuling nagbebenta ng nasa 120 tablets ng ecstasy sa poseur-buyer ng PNP

Naaresto din sa follow-up operation ang kasamahan ni Eaton na nakilalang si Damien John Berg, 34-taong-gulang na Australian national.

Nahuli si Berg sa akto na nagbebenta ng nasa 50 tablet ng ecstasy.

Kasalukuyang nakakulong sa detention facility ng PNP-AIDG ang dalawang banyaga na sumasailalim sa interogasyon at imbestigasyon.

Tinatayang nagkakahalaga sa P289,000 ang halaga ng nakumpiskang 170 tablets ng ecstacy na ibinebenta ng P1,700 ang bawat isang tableta.

TAGS: AIDG, australian, canadian, ecstacy, PNP, AIDG, australian, canadian, ecstacy, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.