Food stamp program aarangkada na; mga buntis, single parent at lactating women kasama na

By Chona Yu June 13, 2023 - 12:52 PM

 

Binigyan na ng green light ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang implementasyon ng pilot testing ng food stamp program, ang programang layong mabigyan ng sapat, masustanya at murang pagkain ang may isang milyong mahihirap na Filipino.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na nais ng Pangulo na palawakin pa ang programa at isama ang mga buntis, single parent at nagpa-suso.

Sabi ni Gatchalian, nasa $3 milyong ayuda ang ibinigay ng Asian Development Bank, Japan International Cooperation Agency at French Development Agency para sa naturang programa.

Nasa P3,000 ang halaga ng food stamp.

Sa Hulyo inaasahang uumpisahan na ang programa.

 

 

TAGS: buntis, news, Radyo Inquirer, rex gatchalian, buntis, news, Radyo Inquirer, rex gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.