Isang volcanic earthquake at 221 rockfall events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nakikita ang banaag o crater glow sa bunganga ng bulkan.
Nasa 723 tonelada ng sulfur dioxide flux ang ibinuga ng bulkan kahapon, Hunyo 12.
Ayon sa Phivolcs, katamtamang pagsingaw ng plume ang ibinuga at napadpad sa hilagang-silangan.
Sa ngayon, naantiling nasa Alert Level 3 ang bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES