Nahahawa ng COVID 19 bumababa ang bilang

By Jan Escosio June 12, 2023 - 08:22 PM

Pababa pa rin ang bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID 19 sa bansa/

Sa inilabas na impormasyon ng Department of Health (DOH) ngayon araw, mula Hunyo 4 hanggang 11, nakapagtala ng 6,630 bagong kaso sa bansa.

Mula sa naturang bilang, 947 ang daily average, na mas mababa ng 27 porsiyento kumpara sa naitala sa sinundan na anim na araw.

Ngunit sa mga naitalang bagong kaso, 112 ang kritikal o maliubha ang kondisyon.

Samantala, may lima na namatay dahil sa sakit sa pagitan ng Mayo 29 hanggang Hunyo 11.

Hanggang kahapon, may 527 ang nasa mga ospital dahil sa kritikal ang kalagayan.

TAGS: Case, COVID-19, doh, Case, COVID-19, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.