Aabot sa P5 milyong halaga ng equipment at capacity-building programs ang ibibigay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource sa mga mangingisda sacPag-asa Island.
Sisimulan ngayong araw ng BRP Francisco Dagohoy ang dalawang araw na paglalayag mula Puerto Galera patungo sa Pag-asa Island.
Ayon kay BFAR National Director Attorney Demosthenes Escoto, umaasa ang kanilang hanay na dadami pa ang mahuhuling isda ng mga mangingisda dahil sa mga bagong gamit.
“Itong paglalayag ng DA-BFAR upang maghatid ng suportang pangkabuhayan para sa mga residente at mangingisda ng Pag-asa Island ay isang inisyatiba ayon sa tagubilin ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang pagbibigay ng suporta sa sektor ng mga mangingisda, maging sa mga malalayong baybaying komunidad,” pahayag ni Escoto.
Nagpapasalamat din si Escota sa Philippine Cost Guard sa pagsuporta sa mga livelihood program ng BFAR para sa mga mangingisda sa West Philippine Sea.
Kabilang sa mga ibibigay ng BFAR ang fish stalls, fish containers, plastic floaters, twines, lead sinkers, deep sea payao, post-harvest equipment, blast freezer, ice coolers, industrial weighing scales, crate storages, seawater flake ice machine at generator sets.