Panukalang dagdag buwis hindi pinag-isipan ayon sa liderato ng Kamara

By Isa Avendaño-Umali June 21, 2016 - 03:50 PM

congress (1)
Inquirer file photo

Sinopla ni outgoing House Speaker Feliciano Belmonte Jr ang mga panukala sa papasok na Duterte administration na itaas sa 15 percent ang Value Added Tax o VAT.

Giit ni Belmonte, hindi dapat minamadali ang pagdaragdag ng buwis na ipapataw sa mga mamamayan.

Ayon kay Belmonte, kahit sa Kongreso ay imposibleng maipasa sakaling i-panukala ang 15-percent VAT rate.

Pagtitiyak niya, isa siya sa mga haharang sa pagtaas sa VAT dahil ang mga mahihirap ang tiyak na tatamaan nito.

Punto pa ng pinuno ng Kamara, malabo ang VAT increase kapag walang kasabay na tax measure na magtataas naman sa take home pay ng mga manggagawa upang mai-akma sa income tax sa inflation.

Samantala, pinayuhan naman ni Belmonte ang economic team ni Duterte na gamitin ang kanilang imahinasyon at husay sa paghahanap ng ibang paraan para mapagbayad ng mas mataas na buwis ang malalaking kumita, habang huwag madamay ang mga mahihirap.

Isa aniya sa uubrang pag-aralan ay ang pagrebisa sa kabuuang sistema ng pagbubuwis sa bansa.

TAGS: 17th congress, belmonte, duterte, vat, 17th congress, belmonte, duterte, vat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.