21 volcanic earthquake, 260 rockfall events naitala sa Bulkang Mayon

 

Umabot sa 21 na volcanic earthquakes, 260 rockfall events at tatlong pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nakikita ang banaag o crater glow sa bunganga ng bulkan.

Nagsimula ang lava flow activity mula sa summit crater.

Ayon sa Phivolcs, umabot sa 642 tonelada ng sulfur dioxide flux ang ibinuga ng bulkan kahapon, Hunyo 11.

Sa ngayon, nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

Pinagbabawalan ang mga residente na pumasok sa anim na kilometrong radius permanent danger zone.

Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktuk ng bulkan.

 

 

 

Read more...