Job-generation programs ng Marcos admin nagbunga kasunod ng pagbaba ng unemployment rate
By Chona Yu June 12, 2023 - 08:27 AM
Nagbunga ang mga hakbang ng pamahalaan sa paglikha ng mas maraming trabaho para sa mga mamamayan.
Kasunod ito ng pagbaba ng unemployment rate sa 4.5 percent noong April 2023 kumpara sa 5.7 percent noong nakaraang taon.
Sa April 2023 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang bilang ng unemployed persons noong April 2023 ay 2.26 million.
Katumbas ito ng mahigit 506 thousand na pagbaba mula sa 2.76 million na unemployed noong April 2022.
Naitala ng PSA ang 95.5 percent na employment rate noong April 2023 na mas mataas sa 94.3 percent noong April 2022.
Tumaas sa 48.06 million ang bilang ng may trabahong mga Pinoy noong April 2023 mula sa 45.63 million noong April 2022.
Ayon sa datos ng PSA, ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ay tumaas sa 65.1 percent noong April 2023.
Iniulat din ng PSA na ang underemployment rate sa mga kalalakihan ay mas mataas (14.6 percent) kumpara sa mga babae (10.6 percent).
Ayon sa PSA, ang services sector ang nananatiling may pinakamataas na bahagi ng employed persons, kasunod ang agriculture at industry sectors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.