Apat na bata natagpuang buhay matapos ang 40 araw na pagkakaligtas sa plane crash

By Chona Yu June 10, 2023 - 03:18 PM

 

Buhay na natagpuan apat na bata matapos ang 40 araw na pag-iikot sa bundok nang makaligtas sa plane crash sa Colombia.

Kabilang sa mga nakaligtas ang mga batang nag-eedad ng 13, siyam, apat at isang taong gulang.

Patay ang kanilang ina at dalawang piloto nang bumagsak ang sinasakyang Cessna plane noong Mayo 1.

Ayon kay Colombian President Gustavo Petro, isang magical day nang matagpuang buhay ang mga bata.

Dinala na sa Bogota ang mga bata para mabigyan ng medical treatment.

 

TAGS: Colombia, news, plane crash, Radyo Inquirer, survivor, Colombia, news, plane crash, Radyo Inquirer, survivor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.