Number coding scheme, suspendido; ilang kalsada sa Manila sarado para sa Araw ng Kalayaan
Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Lunes, Hunyo 12, 2023 para sa ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, isang regular holiday.
Base ito sa abiso ng Metro Manila Development Authority.
Suspendido rin ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) sa Lunes, Hunyo 12.
Balik sa normal na operasyon ang ferry service sa Hunyo 13, Martes.
Samantala, sarado naman ang ilang kalsada sa Manila sa Araw ng Kalayaan simula 5:00 hanggang 10:00 ng umaga.
Kabilang na ang kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang P. Burgos, TM Kalaw- mula Taft hanggang Roxas Blvd, Maria Orosa St. mula TM Kalaw hanggang P. Burgos, kasama na ang Katigbak Drive, Independence Road, at South Road.
Ito ay para bigyang daan ang flag raising at wreath laying ceremony sa Rizal Monument at Civic-Military Parade sa Quirino Grandstand na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Pinapayuhan ang mga apektadong motorista na maghanap ng alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.