Isang volcanic earthquake, 59 rockfall events naitala sa Bulkang Mayon

By Chona Yu June 10, 2023 - 09:17 AM

 

Nagkaroon ng isang volcanic earthquake at 59 rockfall events sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

May nakitang banaag o crater glow sa bulkan.

Nasa 417 tonelada ng sulfur dioxide flux ang ibinuga ng bulkan kahapon.

Ayon sa Phivolcs, katamtamang pagsingaw ng plume ang ibinuka ng bulkan at napadpad sag awing timog silangan.

Sa ngayon, namamaga ang bulkan o ground deformation.

Pinapayuhan ng Phivolcs ang mga residente na umiwas sa anim na kilometrong radius permanent danger zone at paglipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

 

 

TAGS: Albay, Bulkang Mayon, news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, volcanic earthquake, Albay, Bulkang Mayon, news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, volcanic earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.