109 rockfall events naitala sa Bulkang Mayon

By Chona Yu June 09, 2023 - 05:11 PM

 

Nasa 109 rockfall events ang naitala sa Bulkang Mayon.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Doctor Teresita Bacolcol ang officer-in-charge ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology, na naitala ang 109 rockfall events mula 5:00 ng umaga kahapon, Hunyo 8 hanggang 5:00 kaninang umaga, Hunyo 9.

Mas mataas aniya ito kumpara sa 98 rockfall events na naitala mula Hunyo 7 hanggang 8.

Anim na pyroclastic density current aniya ang naitala kahapon na tumatagal ng apat hanggang anim na minute at umaabot ng dalawang kilometro mula sa summit.

Sinabi pa ni Bacolcol na nakitaan din ng crater glow ang bulkan kagabi.

Ibig sabihin ay mayroong super-heated gas na lumabas mula sa bunganga o crater ng bulkan.

Payo ni Bacolcol, ilikas na ang ga residente na naninirahan sa six kilometers permanent danger zones sa posibilidad na magkaroon ulit ng pyroclastic density current.

 

TAGS: Bulkang Mayon, news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, rockfall, Bulkang Mayon, news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, rockfall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.