Hiwalay na ang basketball player na si Ricci Rivero at girlfriend na si Andrea Brillantes.
Ito ang kinumpirma ni Rivero sa kanyang Twitter account.
Hiniling din ni Rivero sa publiko na igalang ang kanilang desisyon kung isinapribado man ang balitang paghihiwalay.
“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what we’re going through,” pahayag ni Riverro.
“Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve what’s left of our friendship,” dagdag ng basketball player.
Agad namang umani ng negatibong reaksyon mula sa netizens ang post ni Rivero.
Pinuna ng netizens ang post ni Rivero sa kanyang Instagram story kasama ang beauty queen-turned-politician na si Leren Mae Bautista.
Kasama ni Rivero na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Mayo 25 si Bautista sa Los Baños.
Naging magkasintahan sina Rivero at Brillantes noong nakaraang taon.