Hirit ng US para sa Afghan refugees pinalilinaw ni Sen. Imee Marcos
By Jan Escosio June 09, 2023 - 01:18 PM
Hinimok ni Senator Imee Marcos ang Department of National Defense at National Security Council na ipaliwanag ang hiling ng US na bigyan ng special immigrant status sa Pilipinas ang ilang Afghan refugees.
Hiningi ni Marcos ang paglilinaw kina Defense Sec. Gilbert Teodoro at National Security Adviser Eduardo Año.
Nagtataka lamang ang senadora na sa Pilipinas nais ng gobyerno ng Amerika manatili ang Afghan refugees at hindi sa Mainland US o sa ibang bansa na malapit sa Afghanistan.
Sa inihain niyang Senate Resolution 651 nais ni Marcos na magkaroon ng pagdinig sa Senado ukol sa isyu.
Diin ng namumuno sa Committe on Foreign Affairs walang isinapublikong datos ang US ukol sa mga Afghans, kung ang ito ba ay tunay na refugees o kawani ng ahensya o kompaniya ng US.
“During the past year, security and espionage threats have substantially increased because of the sharp escalation in tension between rival superpowers,” sabi pa ng senadora.
Nabatid na natalakay na ng Presidential Management Staff (PMS) sa ibang ahensiya ang nais ng US at ginagawa na ang memorandum of agreement ukol dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.