Libreng sakay sa LRT Line 1 sa Araw ng Kalayaan

By Chona Yu June 09, 2023 - 10:37 AM

INQUIRER FILE PHOTO

 

May alok na libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 sa mga pasahero sa ika-125 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Ayon sa abiso, magsisimula ang libreng sakay ng 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi sa Hunyo 12.

Pinapayuhan ang mga pasahero na gamitin pa rin ang mga beep card sa Automated Fare Collection System gates.

Ayon sa LRTA, wala namang ikakaltas na bayad sa paggamit ng beep card.

 

 

TAGS: Araw ng Kalayaan, independence day, libreng sakay, lrt line 1, news, Radyo Inquirer, Araw ng Kalayaan, independence day, libreng sakay, lrt line 1, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.