Nabuking ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang tangkang pagpupuslit ng tabako ng isang dalaw sa National Bilibid Prison (NBP).
Sa ulat kay BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. ni Deputy Dir. Gen. for Operations Angelina Bautista, nakilala ang dalaw na si Leilani Tividad.
Nadiskubre ang kontrabando na bitbit ni Tividad nang kapkapan siya bago pumasok sa Maximum Security Compound.
Itinago ni Tividad ang 32 tobacco bars sa knee pad.
Inirekomenda nang ma-“blacklist” si Tividad sa pambansang piitan upang hindi na makadalaw.
Babala lang ni Bautista na mahigpit ang pagbabantay nila hindi lamang sa dalaw kundi maging sa kanilang mga tauhan para hindi makapagpuslit ng mga kontrabando sa loob ng NBP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.