Pangulong Marcos naghahanda na sa SONA

 

 

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. namayroon siyang maipakikita sa taong bayan sa ikalawang State of the Nation Address sa Hulyo.

Ayon sa Pangulo, ipakikita niya sa taong bayan ang update sa mga plano at mga proyekto na kanyang ipinangako sa naunang SONA noong nakaraang taon.

“Well, the truth of the matter is, we’re still preparing everything, all the materials that we’re going to put together. Like any SONA, it will be a report to the nation as to what the situation has, what happened in the last year since the last SONA, where we are now, what we have managed to do and where we still have work to do. That is essentially the template that we’re going to use,” pahayag ng Pangulo.

“So, the things that I mentioned in the first SONA, we will have a look and see ano na nangyari doon sa mga ating mga pinag-usapan nung unang SONA. At sa palagay ko naman, mayroon naman tayo ipapakita and that’s what the content of the SONA, I think, will probably be,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang sa unang SONA ng Pangulo, ipinangako nito ang food security, pabahay, agrikultura, imprastraktura, turismo at edukasyon at iba pa.

 

Read more...