Nakahanda na ang pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residenteng maaaring maapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon at Taal.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inililikas na rin ngayon ang mga residente sa mas ligtas na lugar.
“Right now, what we are doing is preparing and moving people away from the area so that should the time come, kung hindi man. I hope it doesn’t happen but, unfortunately, the science tells us na parang ganoon na nga ang mangyayari. Kasi iyong the lid, o the cap, on top of the lava is slowly rising– not-so-slowly rising– at baka puputok nga. Kaya nakaabang tayo nang husto,” pahayag ng Pangulo.
“Naka-ready naman na tayo. Ganoon naman talaga ang ating ginagawa. We watch it very, very closely. Make sure that any of the communities that could be affected are evacuated and are given assistance while they are evacuated until the time that they can return to their homes. It’s the same thing,” pahayag ng Pangulo.
Sa ngayon, inilagay na ng Phivolcs sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon.
“Iyong Taal, the problem is the release of the gas. May toxic gas na medyo naramdaman na ng mga ibang taga-doon. The DOH are looking after those people. We know where the wind is blowing kaya alam na natin kung saan dadaan yung mga toxic na gasses kaya paiiwasin na natin yung mga tao na nakatira doon sa area na iyon,” pahayag ng Pangulo.