May post sa Facebook page ng latest photo ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, na kamakailan lamang ay na-ospital dahil sa kumplikasyon ng sakit niyang lung cancer.
Sa larawan, makikita ang senadora kasama ang kaniyang mister at tatlong mga apo.
Nakasaad sa caption ng lawaran na nagpapasalamat ang senador at kaniyang pamilya sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa kaniyang kagalingan.
“This photo was taken today by Senator Santiago’s daughter-in-law. The senator and her family would like to thank everyone who continues to pray and wish for her immediate healing and recovery. #MiriamFight,” ayon sa caption.
Kapansin-pansin naman sa larawan ang pagpayat ni Senator Santiago.
Magugunitang kamakailan dinala sa ospital si Santiago dahil sa pneumonia kung saan nanatili siya ng dalawang araw sa intensive care unit.
Nitong weekend, sinabi ng kaniyang staff na bumubuti na ang lagay ng senadora at under control na ang kaniyang pneumonia.