Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga bagong talagang ambassador ng bans ana manatiling neutral sa foreign policy.
Sa pulong ng Pangulo sa mga bagong ambassador sa Malakanyang, sinabi nito na dapat na ipagpatuloy ang non-traditional partners sa usapin sa kalakalan, seguridad at defense requirements.
Hindi aniya dapat na kumiling ang mga ambassador sa China o Amerika bagkus ay dapat na manatiling tapat sa Pilipinas.
“We do not subscribe to any notion of a bipolar world. We only side, of course, to the Philippines, not to the US, not to Beijing, not to Moscow. That’s very much being independent in what we do,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Hinimok din ng Pangulo ang mga ambassador na samantalahin ang mga oportunidad na kapaki-pakinabang sa bansa at sa mga Filipino.
“I’m sure you have heard that we are prioritizing agriculture, energy, all of the infrastructure development, and digitalization. Now, if there are opportunities that would come up, you should explore them and if they’re promising enough, then we’ll take it up. We’ll try to see if something can come up. There’s no harm in trying and kung anuman ang mangyari, at least we tried,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“So let us keep looking at those areas. And also what I found many times, you go there and you talk about agri and something else comes up,” dagdag ng Pangulo.
Kasama sa pulong sina Chief of Mission Carlos Deymek Sorreta, Permanent Representative of the Philippines to the United Nations sa Geneva, Switzerland; Ambassadors Extraordinary and Plenipotentiary Henry Sicad Bensurto Jr. (Republic of Turkiye), Renato Pedro Oabel Villa (Kingdom of Saudi Arabia), Raul Salavarria Hernandez (Sultanate of Oman), Paul Raymund Pasion Cortez (Portuguese Republic), Joel Francisco Ignacio (Republic of India), at Maria Angela Abrera Ponce (Malaysia).