Baron Geisler at Kiko Matos, nagharap sa PSA forum; Baron tinawag na unggoy si Kiko

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2016 - 12:22 PM

Photo from Cedelf Tupas of PDI
Photo from Cedelf Tupas of PDI

Bago ang pinakaaabangan nilang laban Universal Reality Combat Championship (URCC) sa Sabado, nagharap ngayong umaga sina Baron Geisler at Kiko Matos sa forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

Sa nasabing forum, nag-pose para sa photo opportunity sina Baron at Kiko habang nasa gitna nila si URCC chief Alvin Aguilar.

Ayon kay Baron, anim na taong gulang pa lamang siya nang magsimula siyang mag-aral mag-taekwondo at pitong taong gulang naman nang sumabak sa mga kompetisyon kaya sanay na sanay umano siya sa bakbakan at sanay ding masaktan.

Nagsanay din umano siya ng boxing sa Elorde gym, pero aminadong bago pa lamang siya natututo sa “ground and pound”, “wrestling” at “grappling”.

Dagdag pa ni Baron, naranasan na niyang lumaban ng walong beses at lahat ng kalaban niya ay kaniyang napatumba.

Para naman kay Kiko Matos, sinabi nitong nagsanay din siya sa boxing at striking.

Pero kailan lang din aniya siya natuto ng wrestling, jiu jitsu at MMA.

Ayon kay Kiko, maaga pa para i-predict ang kahihinatnan ng laban at ayaw din niyang maging sobrang kampante.

Iniisip na lamang umano niya na malakas ang kaniyang kalaban.

Samantala, sa kasagsagan ng forum, naglabas si Baron ng 25 centavos mula sa kaniyang bulsa na aniya ay simbolo ng magaganap na paghaharap nila ni Kiko sa June 25, kasabay ng pagbanggit na para sa kaniya, 25 centavos lang ang halaga ni Kiko.

Nang tanungin kung ano ang advantage niya laban kay Kiko, sinabi ni Baron na siya ay tao, habang si Kiko ay Unggoy.

 

 

 

TAGS: Baron Giesler and Kiko Matos, Baron Giesler and Kiko Matos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.