Bumagal ang pagtahak ng bagyong Chedeng sa Philippine Sea sa pagkilos ng pa-Kanluran Hilagang-Kanluran.
Sa 5pm bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa distansiyang 1,150 kilometro ng Silangan ng Southeastern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 105 kilometro kada oras.
Ayon pa sa PAGASA, hindi magdudulot ng malakas na pag-ulan ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Hindi naman inaalis ang posibilidad na ang pag-ulan na dulot ng habagat ay maapektuhan ng bagyo.
Sa tinatayang direksyon na tatahakin ng bagyo, mananatili itong malayo sa anumang kalupaan ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.