Anunsiyo ng “Bawal Dalaw” sa Bilibid, hindi totoo – BuCor
Nilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor) na walang katotohanan ang kumalat sa social media na ipinagbabawal ang pagdalaw sa mga bilanggo sa Maximum Security Compound ng National Billibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ayon kay Deputy Director General for Operations Angelina Bautista hindi sinuspindi ang “visitation rights” sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa Maximum Security Compound.
Paliwanag niya ang mga dalaw ay pinayagan ng “stay-in visitation.”
“Para po sa kaalaman ng lahat, twice a month nagkakaroon po ng stay-in ang ating mga PDLs na kasama po ang kanilang pamilya sa loob mismo po ng piitan,” ani Bautista.
At paglabas mula sa pananatili sa loob ay hindi na muna dumalaw ang nag-stay in para makapagpahinga.
Bago ito pansamantalang sinuspindi ng ilang araw ang pagdalaw sa mga bilanggo dahil sa kaso ng COVID 19 sa loob ng pambansang piitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.