Pag-wasto sa ilang salita sa naipasang MIF bill maikukunsiderang krimen – Koko
Maaring maituring na “falsification” kayat krimen ang sinasabing pagbabago o pagwawasto sa ilang salita sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Ito ang pagbababala ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III para maituring na perpekto ang panukalang-batas.
Reaksyon ito ni Pimentel sa sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi pa naman ‘enrolled bill’ ang MIF kaya maaari pang magpasok ng “perfecting amendments” na gagawin ng Senate at House Secretariat.
Dagdag pa ni Pimentel hindi maaring pakialamanan ng hindi halal na opisyal ang nakalusot ng panukalang-batas at ang anumang pagbabago ay dapat ay ginagawa sa plenaryo.
Paliwanag pa ng senador, mawawalan ng saysay ang salitang “FINAL” kung maaari naman palang galawin o baguhin pa ang bersyon na inaprubahan na sa plenaryo.
Magkagayunman, sinabi ng senador na pinapayagan na baguhin ang pagkakasunud-sunod ng numero ng mga sections na nakapaloob sa ipinasang panukala.
Sa inaprubahang Maharlika Investment Fund bill ay naipasok ang Sections 50 at 51 na naglalaman ng magkaibang prescriptive period para sa paghaharap ng kaso sa sinumang mang-aabuso sa pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.