Hindi pinagbigyan ng isang korte sa Muntinlupa ang petisyon ni dating Senator Leila de Lima na makapag-piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ibinahagi ito ni lawyer Bonifacio Tacardon, abogado ni de Lima, sa mga mamamahayag.
“Sad to inform you that the Court denied Sen. Leila’s bail application,” ani Tacardon.
Hindi pa ito nagbigay ng karagdagang detalye hinggil sa naging desisyon ng korte.
May isa pang kinahaharap na drug case si de Lima kasunod nang pagkakabasura na ng dalawang iba pa.
Ang kaso ay may kaugnayan sa alegasyon na nakipag-sabwatan si de Lima sa ilang high profile prisoners ng pambansang piitan upang makapagbenta ng droga.
MOST READ
LATEST STORIES