Naharang ng mga ahente ng Bureau of Customs – Port of Clark ang higit 1,500 gramo ng kush o high-grade marjuana na may halagang halos P2.5 milyon.
Sinabi ni District Collector Elvira Cruz dumating sa bansa ang shipment noong Mayo 15 at idineklarang mga pantalon.
Pinagduduhan na aniya ng X-Ray Inspection Project personnel ang shipment kayat ipinaamoy na ito sa mga aso ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 Unit at tumibay ang hinala na naglalaman ito ng kontrabando.
Sa physical examination, nadiskubre sa loob ng tatlong jog sealed bags ang mga pinatuyong dahon ng mafrijuana at fruiting tops.
Agad na nagpalabas si Cruz ng Warrant of Seizure and Detention dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act kaugnay sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.