Text blasts para sa shake drill bukas, nagsimula na

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2016 - 12:16 PM

MMDA Text BlastsSinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang text blasts para ipabatid sa publiko ang magaganap na shake drill bukas.

Katuwang ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang kumpanyang Globe, nagpadala ng abiso ang MMDA sa pamamagitan ng SMS.

Nakasaad sa SMS ang paghikayat sa publiko na lumahok sa gaganaping Metro Manila shake drill bukas, June 22 alas 9:00 ng umaga.

Dagdag pa sa text, marapat lamang na maging handa ang lahat sa sakaling mayroong napakalakas na lindol na tatama sa Metro Manila.

Ang publiko ay hinikayat na mag-duck, cover at hold sa pagsisimula ng shake drill bukas.

Pinayuhan din ang lahat na bisitahin ang mmshakedrill.ph para sa iba pang mga kaalaman.

 

TAGS: Metro Manila shake drill, Metro Manila shake drill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.