Hashtag “pagyanig”, pinagagamit sa Netizens sa shake drill bukas
Hinimok ng Office of the Civil Defense (OCD) ang mga aktibong netizen na makibahagi sa isasagawang nationwide shake drill bukas, June 22.
Ayon kay OCD spokesperson Mina Marasigan, maari umanong makatulong sa shake drill ang mga aktibo sa Facebook, Twitter at Instagram gamit ang hashtag na “pagyanig”.
Pinayuhan ni Marasihan ang netizens na mag-upload ng picture at iba pang mga larawan para sa shake drill at lagyan ng #pagyanig ang mga larawan na ipo-post.
Hinimok din ni Marasigan ang publiko bisitahin ang civildefense.ph para sa mas maraming impormasyon hinggil sa magaganap na shake drill bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.