Ibinubugang asupre ng Bulkang Taal mataas pa rin

By Jan Escosio June 07, 2023 - 11:15 AM
Itinuturing na mataas pa rin ang dami ng sulfur dioxide o asupre na ibinubuga ng Bulkang Taal. Base sa inilabas na monitoring report ng Phivolcs kaninang ala-5 ng madaling araw, naglabas kahapon ang bulkan ng 7,680 tonelada ng asupre. Bukod pa dito may “upwelling” ng “volcanic fluids” sa Main Crater Lake kayat patuloy din itong nakakalikha ng “vog” Ang plume o malakas na pagsingaw ng bulkan ay nasukat sa pinakamataas na 1,800 metro at napadpad sa hilagang kanluran. Naobserbahan pa din ang maikling pamamaga ng hilagang kanlurang bahagi ng Taal at ang pangmatagalang pag-impis ng kalakhang Taal. Caldera

TAGS: Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sulfur dioxide emission, Taal Volcano, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sulfur dioxide emission, Taal Volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.