PBBM Jr: Ipatupad ang programa sa sektor ng agrikultura

By Chona Yu June 07, 2023 - 10:33 AM

PCO PHOTO

Nanawagan si Pangulong Marcos Jr. sa mga stakeholders na isakatuparan ang Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-up.

Sabi ng Pangulo. nagkakahalaga ng P45.01 bilyon ang programa na naglalayon na   mapaunlad ang sektor ng agrikultura, kasama ang mga magsasaka, mangingisda at mga konsyumer. Nakapaloob sa PRDP Scale-Up ang pangkalahatang stratehiya ng pamahalaan upang ilapit ang mga magsasaka at mangingisda sa merkado para sa mas mataas na kita. Kabilang sa mga hakbangin ang pamumuhunan sa agri-fishery areas, clustering at konsolidasyon ng mga kooperatiba sa sektor. Kasama rin sa prayoridad ng nasabing proyekto ang pagpapatuloy ng paggawa ng mga farm-to-market road. Kasama sa pulong   ang ilang mga kawani ng pamahalaan at mga opisyal ng World Bank, “Our priorities are going towards the same direction,” pahayag ni Pangulong Marcos. “We really have to develop the agricultural sector. So, let’s keep going. And, of course, what I am always reminded of is that we sometimes speak, in terms of agriculture, speak only of production. We have also to look at the farmers, fishermen,” dagdag ni Pangulong Marcos.

TAGS: Agriculture, farmers, program, Agriculture, farmers, program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.