20,000 pulis magbabantay sa 2nd SONA ni Pangulong Marcos Jr.
Magtatalaga ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng higit 20,000 pulis para magbantay nsa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr sa Hulyo 24.
Sinabi ni NCRPO chief, Maj. Gen. Edgar Alan Okubo ang 17,121 pulis ay magmumula sa limang police districts sa Metro Manila at ang natitira naman na 4,460 ay huhugutin mula sa Special Action Force, saAviation Security Group, gayundin sa Philippine Coast Guard, sa Bureau of Fire Protection, at maging sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Karamihan sa mga pulis ay itatalaga sa paligid ng Batasang Pambansa sa Quezon City sa 31 “border control points” ng Metro Manila.
Magiging epektibo ang gunban alas-12:01 ng umaga ng Hulyo 24 hanggang hatinggabi.
Tiniyak naman ni Okubo na rerespetuhin nila ang mga karapatan ng mga nais magpahayag ng kanilang saloobin kasabay ng ikalawang ulat sa bayan ng Punong Ehekutibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.