Sa 5 am bulletin, sinabi ng PAGASA na sa loob ng tatlong hanggang apat na araw ay maaring lumakas pa ang bagyo at maging severe tropical storm mamayang gabi.
Dagdag pa ng PAGASA, posible na mas lalakas sa Biyernes o Sabado ang bagyo.
Huling namataan ang bagyo sa distansiyang 1,060 kilometro Silangan ng Southeastern Luzon at kumikilos sa direksyon na Kanluran Hilagang-kanluran sa Philippine Sea.
Taglay nito ang lakas na hangin na 65 kilometro kada oras at bugso na aabot 80 kilometro kada oras.
Hindi inaasahan na tatama ito sa kalupaan bagamat maaring paigtingin nito ang habagat.