Senator Bong, masaya sa pagbisita sa ama

Bong-revilla-jr-and-dad-660x495
Mula sa tanggapan ni Sen. Bong Revilla Jr.

Binisita ni Senador Bong Revilla sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig ang kanyang amang maysakit na si dating Senador Ramon Revilla Sr.

Alas 2:50 ng hapon nang dumating si senador Revilla sa naturang pagamutan kasama ang convoy ng mga bantay mula sa hanay ng PNP.

Pasado alas tres ng hapon, panandaliang humarap sa media si Bryan Revilla, anak ng detenidong senador kaugnay sa paghaharap ng mag-amang Revilla.

“He was kind of happy, he would smile a bit. Because for the past few days, he had not been eating. It shows that his weight kind of fell. But since he saw my father, it was OK”, pahayag ng batang Revilla.

Una nang humiling ang senador sa Sandiganbayan na mapagbigyan siyang dalawin ang kanyang ama na isinugod sa pagamutan noong Sabado, dahil sa sepsis o impeksyon sa dugo.

Sa kautusan ng Sandiganbayan, pinahihintulutan ang senador na mamalagi sa piling ng kanyang ama sa loob ng limang oras o mula alas tres hanggang alas otso ng gabi mamaya ‘for humanitarian reasons.’

Kasalukuyang nakadetine si senador Revilla sa PNP Custodial Center dahil sa kasong plunder na kinakaharap nito sa Sandiganbayan.

Alas 8:30 ng gabi, nakabalik na sa PNP Custodial Center ang senador./ Jay Dones

Read more...