3 NOTAM inilabas dahil sa pag-aalburuto ng tatlong bulkan

By Jan Escosio June 06, 2023 - 03:55 PM

 

Nagpalabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng tatlong notices to airmen (NOTAM) bunga ng mga tumaas na aktibidad ng tatlong bulkan sa bansa.

Sinabi  ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na sa naturang abiso, ipinagbabawal sa mga piloto ang paglipad malapit sa Bulkang Mayon, Taal at Kanlaon.

“In fact po, kalalabas lang noong ating notice to airmen ngayon. Iyong Mayon ho ay nasa Alert Level 2 pa rin at ‘yong ating pong Taal ay nasa Alert Level 1. Mayroon pong isa pa tayong ini-release na kalatas ngayon, itong Kanlaon po ngayon ay nasa Alert Level 1 din po,” ani Apolonio sa isang public briefing.

Aniya ang mga air traffic controllers ang magbibigay ng ligtas na ruta para sa mga eroplano.

Sinabi pa ni Apolonio na manatiling nakaantabay din ang mga pasahero sa maaring pagbabago sa schedule ng kanilang biyahe.

TAGS: alburuto, bulkan, news, No fly zone, Radyo Inquirer, alburuto, bulkan, news, No fly zone, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.