Kumpiyansa si Senator JV Ejercito sa kakayahan ng mga naitalagang bagong mamumuno sa Department of National Defense (DND) at Department of Health (DOH).
Hinikayat niya si bagong Defense Sec. Gilbert Teodoro na tiyakin ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasabay ng pagtaas ng tensyon sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.
Iginiit muli ng senador na kailangan ay manindigan ang Pilipinas laban sa China para pangalagaan ang ating sobereniya at integridad ng ating teritoryo.
Aniya, bilang pangunahing nagsulong ng Universal Healthcare Law (UHC), umaasa siya na magiging prayoridad ito ni bagong Health Sec. Ted Herbosa.
Tiwala din siya na susuportahan ni Herbosa ang mga panukalang batas na isinusulong sa Senado para sa kalusugan, tulad ng pagtatayo ng Regional Specialty Hospitals at adjustment sa Philhelath contributions.