DOH ikinalugod pagtalaga kay Dr. Ted Herbosa

By Jan Escosio June 06, 2023 - 08:49 AM

 

Ikinagalak ng Department of Health (DOH) ang pagtatalaga kay Doctor Ted Herbosa bilang bagong kalihim ng kagawaran.

Pagbabalik lamang ky Herbosa ang pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Marcos Jr., dahil nagsilbi na siya siyang undersecretary ng DOH noong administrasyong-Noynoy Aquino.

Sa nakalipas na administrasyon naman ay naging special consultant siya ng National Task Force on COVID 19.

“Maaasahan po ng ating bagong kalihim ang taos pusong suporta ng buong DOH family (Our new secretary can count on the wholehearted support of the entire DOH family),” ani Usec. Maria Rosario Singh-Vergeire.

Nangako si Vergeire ng “smooth transition” sa pagkakatalaga ng unang kalihim ng DOH sa ilalim ng administrasyong-Marcos Jr.

TAGS: department of health, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Ted Herbosa, department of health, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Ted Herbosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.