P55.34 milyong halaga ng shabu nakumpiska sa isang Liberian

 

Nasabat ng mga awtoridad ang P55.34 milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kahapon, Hunyo 5.

Ayon sa Bureau of Customs, nagsagawa ng operasyon ang kanilang hanay katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa airport.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang dalawang checked-in luggage na naglalaman ng shabu.

Pagmamay-ari ng isang Libreian passenger ang mga bagahe.

Sakay ang Liberian ng Qatar Airways at galing ng Doha, Qatar.

Hinarang ng mga awtoridad ang Liberian matapos mabatid na kulang ang immigration papers.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang mahigit walong kilo ng shabu ng Liberian nang isalang sa X-ray screening ang mga bagahe.

Ayon pa sa mga awtoridad, orihinal na nanggaling ang Liberian sa Lagos, Nigeria.

Kinumpiska na ng mga awtoridad ang shabu at isasailalim sa forfeiture proceedings.

 

 

Read more...