Nag-anunsiyo na ang ilang kompaniya ng langis ng paggalaw ng presyo ng kanilang mga produktong-petrolyo simula bukas.
Sa magkakahiwalay na abiso, ang Seaoil, Cleanfuel, PTT Philippines, Caltex, Phoenix, Flying V, Unioil, Petron at Petro Gazz ay magbabawas ng P0.30 sa kada litro ng diesel, samantalang dobleng bawas naman sa P0.60 sa kada litro ng gasolina.
Ang Seaoil, Caltex, Flying V, Petron at Petro Gazz ay pawang may anunsiyo rin na matatapyasan ng P0.60 ang kada litro ng kanilang kerosene.
Base sa year-to-date price monitoring ng Department of Energy (DOE), ang gasolina ay tumaas na ng P6.10 kada litro, samantalang P5.05 naman na ang nabawas sa kada litro ng diesel.
Samantala, ang kerosena ay bumaba na ng P6.75 kada litro.
MOST READ
LATEST STORIES