Bawas presyo sa mga produktong-petrolyo ikakasa bukas

By Jan Escosio June 05, 2023 - 10:33 PM

Nag-anunsiyo na ang ilang kompaniya ng langis ng paggalaw ng presyo ng kanilang mga produktong-petrolyo simula bukas.

Sa magkakahiwalay na abiso, ang Seaoil, Cleanfuel, PTT Philippines, Caltex, Phoenix, Flying V, Unioil, Petron at Petro Gazz ay magbabawas ng P0.30 sa kada litro ng diesel, samantalang dobleng bawas naman sa P0.60 sa kada litro ng gasolina.

Ang Seaoil, Caltex, Flying V, Petron at Petro Gazz ay pawang may anunsiyo rin na matatapyasan ng P0.60 ang kada litro ng kanilang kerosene.

Base sa year-to-date price monitoring ng Department of Energy (DOE), ang gasolina ay tumaas na ng P6.10 kada litro, samantalang P5.05 naman na ang nabawas sa kada litro ng diesel.

Samantala, ang kerosena ay bumaba na ng  P6.75 kada litro.

 

TAGS: diesel, DOE, gasoline, kerosene, diesel, DOE, gasoline, kerosene

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.