Roxas Boulevard isasara sa Araw ng Kalayaan celebration

INQUIRER FILE PHOTO

Pansamantalang isasara ang Roxas Boulevard sa Hunyo 12 para bigyan daan ang selebrasyon kaugnay sa ika-125 Araw ng Kalayaan.

Sa inilabas na abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasara ang magkabilang bahagi ng Roxas Boulevard mula sa TM Kalaw hanggang P. Burgos mula ala-5 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga.

Samantala, ang Katigbak Parkway, South Road, at Independence Road ay pansamantalang isasara simula alas- 12:011 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi para sa isasagawang  civic military parade.

Ang mga apektadong truck patungo sa North Harbor ay maaring dumaan sa SLEX diretso sa Osmeña Highway kanan sa Quirino Avenue, diretso sa Nagtahan St., patungo sa Lacson Avenue, kaliwa sa Yuseco St., at diretso sa Capulong St. maaring kumanan o kumaliwa sa  R-10 patungo sa destinasyon.

Ang mga truck na magmumula sa Parañaque Area ay dapat ,kumanan sa Quirino Avenue patungo sa Nagtahan, Lacson Ave. patungo sa destinasyon at ito rin ang maaring tahakin ng mga truck na patungo naman sa south direction.

Magtatalaga ang MMDA ng  traffic enforcers para umalalay sa daloy ng trapiko.

Read more...