Senior citizen’s discount sa kuryente, tubig nais maamyendahan ni Lapid
By Jan Escosio June 05, 2023 - 10:51 AM
Naghain ng panukala si Senator Lito Lapid para maamyendahan ang diskuwento sa bayad sa kuryente at tubig ng mga senior citizen.
Sa Senate Bill No. 2169, nais ni Lapid na maamyendahan ang RA 9994 o ang Expanded Senior Citizen Act of 2010.
Nais ng senador na mabigyan ng limang porsiyentong diskuwento ang senior citizen sa unang 150 kilowatt na konsumo sa kuryente, samantalang katulad na diskuwento naman sa unang 50 cubic meters na konsumo sa tubig.
Aniya ang matitipid ay maaring maidagdag nila sa pambili ng pagkain at maintenance drugs.
“Maraming senior citizens ang mahihirap at kapos na rin sila magbadyet ng kanilang pensyon kaya nararapat lang mapagkalooban ng konting ginhawa sa pamamagitan ng 5 porsiyentong diskuwento sa konsumo sa tubig at kuryente,” ani Lapid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.