Ambulansiya ginamit sa pagpuslit ng kontrabando, BuCor personnel timbog

By Jan Escosio June 05, 2023 - 10:39 AM

BUCOR PIO PHOTO

Bukod sa pasyenteng bilanggo, may nakatago na kontrabando sa ambulansiya ng Bureau of Corrections (BuCor) at nadiskubre ito ng mga corrections officers.

Sa ulat kay BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang, nabatid na nangyari ang insidente alas-2:47 ng hapon ng Sabado.

Ayon kay OIC – Deputy Director General for Operations Angelina Bautista pumasok ang ambulansiya ng BuCor sa National Bilibid Prison at minamaneho ni CO1 Marvin Ceballos.

Sakay ng ambulansiya ang isang pasyenteng person deprived of liberty (PDL).

Ani Bautista bahagi ng protocol ang mabusising pagsisiyasat sa sasakyan at nadiskubre ang mga pinatuyong dahon ng tabako sa compartment ng ambulansiya.

Sinabi ni Catapang na kailangan talagang maging alerto at mapagmatyag dahil buko sa mga bilanggo, kailangan din bantayan ang kanilang mga tauhan.

“Yan ang dahilan kung bakit ang ating programa ay Reform BuCor, magkasabay naming nirereporma ang sarili naming officers and personnel habang may programa rin kami to reform PDL,” ani Catapang.

TAGS: ambulance, bucor, PDL, ambulance, bucor, PDL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.