3 Chinese nationals timbog sa mga baril, droga sa Pasay City

SPD PIO PHOTO

Kalaboso ang tatlong Chinese citizens matapos makumpiskahan sila ng mga baril at droga sa Pasay City.

Isinilbi ng mga pulis ang search warrant na inisyu ni Judge Rowena Tan sa isang condominium unit sa Seaside Boulevard MOA Complex..

Sa paghalughog sa unit, nadiskubre ang dalawang baril, mga bala at 11 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit P74,000, bukod sa mga drug paraphernalia.

Bunga nito, inaresto sina Wu Zhangjian, 32; Jiang Guanglin, 28; at Mao Wei, 23.

Kakasuhan ang tatlo ng mga paglabag sa RA 10591 at RA 9165.

Read more...