Paghuhugutan ng pondo sa mas mataas na 4Ps cash aid malaking problema – Chiz

SENATE PRIB PHOTO

Sinabi ni Senator Francis Escudero na walang mambabatas na aayaw sa mas mataas na cash aid sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program 0 4Ps.   Ngunit ang malaking problema ay ang paghuhugutan ng pondo para sa umento sa tulong-pinansiyal sa mga labis na mahihirap na Filipino.   Sinabi ng senador na sa ngayon ay lumubo na sa P13.9 trilyon ng gobyerno hanggang noong nakaraang taon.   Aniya hanggang ngayon ay ramdam pa rin ang krisis sa ekonomiya dulot ng pandemya.   Sinabi na ni Escudero na marami pa rin programa at proyekto ang gobyerno na mangangailangan ng malaking pondo kayat aniya nabuo ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Read more...