May posibilidad na sa susunod na linggo ay idedeklara na ang panahon ng tag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Bunga ito ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.
Sinabi ni weather specialist Rhea Torres hinihintay na lamang ang ilang “criteria” para maianunsiyo na ang simula ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
“Tinitingnan natin for the past few days, may mga na-record na silang pag-ulan kung tuloy-tuloy pa rin ‘yon, particularly baka next week baka mag-onset na ang rainy season,” aniya.
Sa Pilipinas, ang “wet season” ay nagsisimula mula Mayo hanggang Oktubre.
Ang nararanasan na mga pag-ulan, ayon pa sa PAGASA, ay epekto ng habagat.
MOST READ
LATEST STORIES