Maharlika Fund, todo-arangkada sa loob ng dalawang taon – Villar

By Jan Escosio June 02, 2023 - 12:17 PM

SENATE PRIB PHOTO

Umaasa si Senator Mark Villar na sa loob ng dalawang taon ay ganap na ang pagpapatupad ng panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF). 

  Ibinahagi ito ni Villar, ang ang-sponsor sa panukala, matapos tanggapin at aprubahan ng Kamara ang bersyon ng Senado sa pagbuo ng MIF.   Ayon pa kay Villar, tiwala siyang mabilis na kikilos ang ehekutibo para mabuo ang Maharlika Investment Corporation (MIC), na mangangasiwa sa pondo.    Handa na aniya ang pambansang pamahalaan na ipatupad ang MIF bill.    Una nang iginiit ng namumuno sa Senate Committee on Banks, na hindi isang political move ang pagpapasa sa MIF bill.    Ito aniya ay  hakbang para matulungan ang bansa na magkaroon ng dagdag na pondo, na lubhang kailangan ngayon ng gobyerno. 

TAGS: fund, Investment, Maharlika, fund, Investment, Maharlika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.